Gunman sa pagpaslang sa broadcaster na si DJ Johnny Walker, nahuli na

Naaresto na ang gunman sa pagpaslang sa broadcaster na si Juan “DJ Johnny Walker” Jumalon ngayong araw.

Ayon sa Presidential Task Force on Media Security (PTFoMs), naaresto ang gunman sa pinagsanib na pwersa ng Misamis Occidental at Zamboanga Del Norte Philippine National Police (PNP) kaninang madaling araw sa Dipolog City, Zamboanga Del Norte.

Matatandaang pinaslang ang broadcaster na si DJ Johnny Walker noong November 5, 2023 habang umeere sa radio booth sa kaniyang bahay sa Calamba, Misamis Occidental.


Facebook Comments