𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗗𝗜𝗡𝗜𝗚 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚-𝗔𝗣𝗥𝗨𝗕𝗔 𝗡𝗚 𝟮𝟬𝟮𝟰 𝗦𝗨𝗣𝗣𝗟𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧𝗔𝗟 𝗕𝗨𝗗𝗚𝗘𝗧 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗠𝗔𝗜𝗡𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗚𝗚𝗨𝗡𝗜𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗

Naging mahaba ang talakayan ngayong araw sa Sangguniang Panlungsod ng Dagupan ukol pa rin sa pag-apruba ng Supplemental Budget ng lungsod para sa taong 2024.

Personal na dumalo si Mayor Fernandez upang muling imungkahi ang mga nakalatag na programa at proyekto sa ilalim ng nasabing budget.

Saklaw nito ang anti-flood mitigation projects, day care center buildings, disaster/calamity response equipment at iba pa.

Nabigyang diin sa naganap na regular session ang mga priority projects tulad na lamang ng programang magpopondo lalo na sa kahaharaping panahon ng tag-ulan sa mga susunod buwan.

Hiling ng publiko ngayon ang pagkakaisa ng mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod upang tuluyan nang maipasa ang naturang budget at mapakinabangan ng mga Dagupeños.

Samantala, matatandaan na una nang naendorso ng Local Development Council ang bagong Supplemental Budget na may halagang P557M. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments