𝗠𝗨𝗟𝗧𝗜𝗣𝗨𝗥𝗣𝗢𝗦𝗘 𝗕𝗨𝗜𝗟𝗗𝗜𝗡𝗚, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗧𝗔𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗚𝗨𝗗𝗔𝗬

CAUAYAN CITY – Ipinatayo ng Lokal na Pamahalaan ng Saguday ang isang multipurpose building bilang pagtataguyod ng kaunlaran sa kanilang komunidad.

May sukat na 208 sqm ang nasabing gusali at mayroon itong dalawang palapag na maaaring gamitin sa mga seminars, training sessions, o pagtitipon na makatutulong sa buong bayan ng Saguday.

Samantala, pinasinayaan ang naturang multipurpose building kasabay ng pagdiriwang ng 65th Araw ng Saguday at Pagay-Pagay Festival.


Ang pondong ginamit para sa konstruksyon nito ay mula sa 2022 Seal of Good Local Governance Incentive Fund (SGLG-IF).

Facebook Comments