Wednesday, February 25, 2026

𝗡𝗔𝗜𝗔, 𝗞𝗜𝗡𝗨𝗠𝗣𝗜𝗥𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗟𝗜𝗣𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗘𝗥𝗠𝗜𝗡𝗔𝗟 𝗔𝗜𝗥𝗟𝗜𝗡𝗘𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗥𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗥𝗦𝗢

Cauayan City – Magkakaroon ng pagbabago sa terminal assignments ng ilang airline sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapabuti ang kapasidad ng Paliparan at mapabilis ang galaw ng mga pasahero.

Ililipat mula Terminal 1 patungong Terminal 3 ang mga sumusunod na airline kabilang na dito ang Air China (CA), China Eastern Airlines (MU), Vietnam Airlines (VN), Royal Brunei Airlines (BI), Shenzhen Airlines (ZH), ito ay magiging epektibo sa darating na ika-29 ng Marso, 2026.

Samantala, mula naman Terminal 3 patungong Terminal 1 ang mga sumusunod; kabilang ang Philippine AirAsia (ZZ) para sa mga International Flights lamang pati na rin Ang AirAsia Berhad.

Samantala, ang Japan Airlines ay ililipat mula Terminal 1 patungong Terminal 3 kung saan magiging epektibo ito mula sa ika-1 ng Abril 2026.

Ayon sa pamunuan ng NAIA, layunin ng mga pagbabagong ito na ma-optimize ang paggamit ng mga terminal at mabawasan ang siksikan, Lalo na sa mga international departures at arrivals.

Pinapayuhan ang mga pasaherona tiyaking beripikahin ang kanilang terminal assignment sa kani-kanilang airline bago magtungo sa Paliparan upang maiwasan ang abala sa biyahe.

————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments