π—‘π—”π—œπ—§π—”π—§π—”π—Ÿπ—”π—‘π—š π—žπ—”π—¦π—’ π—‘π—š π—›π—˜π—”π—§ 𝗦𝗧π—₯π—˜π—¦π—¦ 𝗦𝗔 π—£π—”π—‘π—šπ—”π—¦π—œπ—‘π—”π—‘, π—‘π—”π—žπ—œπ—§π—”π—”π—‘ π—‘π—š π—£π—”π—šπ—§π—”π—”π—¦

Nakitaan ng bahagyang pagtaas ang mga naitatalang kaso ng Heat Stress sa lalawigan ng Pangasinan.

Kamakailan, sunod-sunod na naitala sa lalawigan ang mataas na heat index, o ang init na nararamdaman.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Anna De Guzman, karamihan sa mga isinusugod sa mga ospital ay nakararanas ng heat exhaustion o kaya nama’y heat cramps at bahagyang pagtaas ng presyon.

Ani Dr. De Guzman, at-risk ang mga magsasaka ngayon dahil sila ay nagtatrabaho o exposed sa direktang epekto ng araw, sa oras na alas diyes ng umaga hanggang alas tres ng hapon.

Dahil dito, nagbigay paalala ang sektor ng kalusugan na pangalagaan ang pangangatawan ngayong tag-init. Ilan na lamang sa mga ito ay ang pag-inom ng maraming tubig nang maiwasan ang dehydration, gayundin ang pagsilong o di nama’y pag-iwas sa direktang tama ng araw, lalo na tuwing alas diyes ng umaga hanggang alas tres ng hapon.

Samantala, naka-alerto at handa ang mga ospital sa lalawigan ukol sa mga kasong maitatala dulot ng mainit na panahon. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments