𝗡𝗔𝗣𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗙𝗢𝗥𝗖𝗘𝗗 𝗛𝗔𝗥𝗩𝗘𝗦𝗧 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗨𝗦 𝗦𝗔 𝗪𝗘𝗦𝗧𝗘𝗥𝗡 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗧𝗢𝗧𝗢𝗛𝗔𝗡𝗔𝗡, 𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗙𝗔𝗥 𝗥𝟭

Walang katotohanan ang napabalitang nagsagawa umano ng forced harvest ng bangus ang mga growers partikular sa Western Pangasinan dahilan ang banta ng fish kill.

Ito ang paglilinaw ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Regional Office 1 ukol sa nasabing isyu.

Ayon sa Municipal Agriculturist ng Anda, normal ang pagharvest ng mga bangus sa mga panahong ito dahil maaari na itong maharvest.

Bagamat patuloy na nararanasan ang epekto ng El Niño Phenomenon sa bansa ay pagtitiyak ng tanggapan na nakaantabay ito sa mga mangingisda maging sa mga lokal na pamahalaan sa Ilocos Region sa pagbibigay ng mga hakbanging kinakailangan para maiwasan ang problemang hinaharap o kakaharapin pa.

Samantala, kaliwa’t-kanan din ang isinasagawang paghaharvest sa Dagupan City at sa kasalukuyan, nananatiling matatag ang produksyon ng bangus sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments