𝗚𝗘𝗡𝗧𝗟𝗘𝗠𝗔𝗡’𝗦 𝗢 𝗦𝗘𝗖𝗥𝗘𝗧 𝗔𝗚𝗥𝗘𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗜𝗧𝗔𝗡 𝗡𝗜 𝗗𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗥𝗢𝗗𝗥𝗜𝗚𝗢 𝗗𝗨𝗧𝗘𝗥𝗧𝗘 𝗔𝗧 𝗖𝗛𝗜𝗡𝗔 𝗗𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗨𝗠𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡

Matagal ng inihain ng makabayan Bloc ang usapin sa Pag dinig kung ano nga ba ang nilalaman ng tinatawag na gentleman’s agreement sa pagitan ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte at bansang China.

Ito mismo ang kinumpirma sa iFM Dagupan ni Alliance of Concerned Teachers Partylist Representative France Castro.

Ayon sa opisyal, disyembre pa nung magpasa ito ng resolusyon Kaugnay sa nasabing imbestigasyon matapos aniya itong mabasa.

Umaasa naman ito na pinakikinggan ng mga kapwa mambabatas sa Kamara upang malaman ng lahat ng taong bayan ang nilalaman nito.

Sa ngayon ay tanging si dating Pangulong Rodrigo Duterte at bansang China pa lamang ang nakakaalam ng nilalaman nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments