𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗣𝗛𝗣 𝟱𝟬𝟬𝗞 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗛𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗕𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗕𝗜𝗗𝗪𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗔𝗧𝗜 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗢 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔

Nasakote ang tinatayang nasa PHP 510, 000 na halaga ng hinihinalang shabu sa dalawang indibidwal na dati nang naaresto sa usaping ilegal na droga.

Naganap ang buy bust operation sa Brgy. Alitaya, Mangaldan kung saan nahuli sa aktong nagbebenta ang mga suspek na kinilalang sina Jumel Paraan alyas Jomel at Juanito Calaunan alyas John pawang mga residente ng Manaoag. Parehong tinutukoy bilang street level individual o SLI sa usaping illegal drugs ang dalawa.

Sa kabuuan ,nasa 75 grams ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa mga ito kabilang ang boodle money.

Nasa kustodiya ng PNP Mangaldan ang mga suspek at haharap sa kasong paglabag sa RA 9165. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments