π—‘π—œπ—§π—¦π—’ π—‘π—š π—¬π—¨π— π—”π—’π—‘π—š π—˜π—«-π—©π—œπ—–π—˜ 𝗠𝗔𝗬𝗒π—₯ π—‘π—š 𝗔𝗣𝗔π—₯π—₯π—œ, π—¦π—œπ—‘π—œπ—₯𝗔 𝗔𝗧 π—•π—œπ—‘π—¨π—žπ—¦π—”π—‘

Cauayan City – Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya matapos sirain at buksan ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang nitso ng yumaong dating Vice Mayor ng Aparri na si Rommel Alameda sa isang sementeryo sa Cagayan.

β€ŽAyon kay Isadel Alameda, kapatid ng dating opisyal, may ilang residente umano ang nakarinig ng tunog ng pagbabakbak sa sementeryo noong gabi ng Mayo 21.

Agad itong ini-report sa mga opisyal ng barangay ngunit wala nang naabutang suspek nang dumating ang mga awtoridad.

β€ŽNadiskubre kinabukasan ng pamilya na bukas at sira na ang puntod ng dating bise alkalde.

β€ŽHinala ng mga kaanak, posibleng pagnanakaw ang motibo ng insidente matapos mapansing may ilang gamit na nawawala mula sa loob ng nitso.

β€ŽNanawagan naman ang pamilya Alameda sa publiko na tumulong sa imbestigasyon upang matukoy ang mga responsable.

β€ŽNaglaan din sila ng β‚±10,000 na pabuya para sa sinumang makapagbibigay ng mahalagang impormasyon kaugnay sa insidente.

Facebook Comments