Monday, May 25, 2026

PNP, nakahanda sa posibleng paglabas ng mga karagdagang arrest warrants mula sa ICC

Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) sa posibleng paglabas ng mga karagdagang arrest warrants mula sa International Criminal Court (ICC) sa ilan pang personalidad sa Pilipinas.

Ayon sa PNP, nananatili silang nakaalerto at nakikipagugnayan sa mga katuwang na law enforcement agencies kagaya ng National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang ahensiya bilang paghahanda sa posibleng mga legal na hakbang na maaaring mangailangan ng magkasanib na operasyon.

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., patuloy na nakabatay ang mga hakbang ng PNP sa due process at umiiral na legal na balangkas.

Nabatid na sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na nais ng Malacañang na maipatupad agad ang mga ICC warrants, lalo na matapos ang kamakailang desisyon ng Korte Suprema.

Kabilang sa mga usaping tinatalakay sa loob ng law enforcement circles ang umiiral at posibleng mga aksyon ng ICC laban sa ilang public officials, kabilang si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, na nahaharap sa isang umiiral na arrest warrant mula sa ICC kaugnay ng umano’y crimes against humanity.

Tiniyak naman ng PNP na ang lahat ng kanilang aksyon ay mananatiling consistent sa standard operating procedures.

Facebook Comments