𝗡𝗢𝗦𝗘𝗕𝗟𝗘𝗘𝗗 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗚-𝗜𝗡𝗜𝗧, 𝗠𝗔𝗔𝗔𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗜𝗪𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗗𝗥𝗥𝗠𝗢

Nagbigay kamalayan ang Pangasinan Disaster Risk Reduction Management Office sa posibleng insidente ng nosebleed ngayong tag-init.

Ayon sa tanggapan, nagmumula sa tuyong hangin na dulot ng matinding init ang nose bleed. Mas madaling magdugo ang ilong kapag natuyo ang membranes dito. Nakakapinsala din umano ito sa daluyan ng dugo na nagiging sanhi ng mas matinding pagdugo kalaunan.

Kapag nangyari ang nose bleed sa isang indibidwal, itaas lamang ang ulo hanggang tumigil ang pagdurugo at maaari ring lagyan ng ice cube upang mabawasan ang pamamaga ng daluyan ng dugo.

Binigyang-diin ng PDRRMO ang kahalagahan ng palagiang pag-inom ng tubig upang maiwasan ang nose bleed ngayong nararanasan ang matinding init ng panahon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments