‘𝗡𝗢 𝗦𝗘𝗚𝗥𝗘𝗚𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗡𝗢 𝗖𝗢𝗟𝗟𝗘𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗬’ 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗨𝗟𝗨𝗡𝗦𝗔𝗗

Inilulunsad ngayon sa tatlumpu’t-isang barangay sa lungsod ng Dagupan ang ‘no segregation, no collection policy” pagdating sa usaping pamamahala ng mga basura.

Kasunod ito ng pag-aksyon ng lokal na gobyerno sa anim na dekadang problema sa basura partikular ang pagpapasara ng naturang dumpsite.

Matatandaan na ibinahagi sa mga Dagupeños ang ilan sa mga pagsasanay o mga hakbanging nararapat sa pamamahala ng basura upang magtuloy tuloy pa rin ang pangongolekta ng mga waste o garbages sa mga kabahayan sa lungsod.

Samantala, kabilang pa sa pagpapaigting ngayon ng kalinisan sa buong siyudad ng Dagupan ay ang paglilinis at target na mas pagandahin ang Bonuan Beach na isa sa mga pook pasyalang ipinagmamalaki ng Dagupan City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments