𝗣𝗔𝗚𝗧𝗨𝗧𝗢𝗞 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗜𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔, 𝗠𝗔𝗦 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗛𝗜𝗚𝗣𝗜𝗧𝗔𝗡 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗗𝗘𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Mas hinihigpitan pa umano ng hanay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Pangasinan ang pagtutok nila laban sa iligal na droga sa buong probinsya.

Sinisilip na ng hanay ng PDEA Pangasinan ang mga kasuluksulukan ng mga lugar sa ilang bayan at lungsod sa probinsya lalo at talamak ang kalakalan ng iligal na droga sa bahagi ng mga eskinita at masisikip na lugar kung saan hindi agad makikita.

Nito lamang , sa maka-ilang operasyon ng PDEA, nakapanghuli ang mga ito ng mga newly identified personalities sa paggamit at pagtutulak ng iligal na droga.

Ngunit kahit newly identified ang mga ito ay nagsagawa pa rin ng malalimang imbestigasyon ang awtoridad para sa mas malalim na pagkakakilanlan sa mga suspek.

May mga nasagap rin umanong impormasyon ang PDEA na hindi lamang sa bayan ng Calasiao ang involvement ng kanilang mga nahuli roon kung hindi sakop din ang iba’t ibang bayan sa lalawigan.

Samantala, tinututukan rin ng PDEA ang bawat barangay sa mga bayan at lungsod sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments