𝗡𝗨𝗠𝗕𝗘𝗥 𝟴 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗗𝗥𝗨𝗚𝗦 𝗪𝗔𝗧𝗖𝗛𝗟𝗜𝗦𝗧 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗔𝗪𝗧𝗢𝗥𝗜𝗗𝗔𝗗, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗔𝗢

Patong-patong na kaso ngayon ang kinakaharap ng pangwalo sa mga nasa listahan ng illegal drugs sa buong Ilocos Region matapos magpositibo ang ikinasang search warrant implementation sa tahanan nito sa bayan ng Calasiao.

Ang target ng search warrant ay kinilalang si Rogelito Tandoc residente ng Barangay San Miguel sa nasabing bayan.

Ikinasa ang search warrant laban sa suspek pasado ala-una ng madaling araw na nagresulta sa pagkakakumpiska dito ng labing apat na sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng walong gramo at nagkakahalaga ng mahigit ₱54k kasama na ang ilang illegal drugs paraphernalia.

Nakakuha rin ang mga awtoridad ng Isang caliber 45 pistol magasin at mga bala nito at isa ring caliber 38 pistol kasama ang mga bala nito.

Nasa kustodiya na ngayon ng mga awtoridad ang suspek at inihahanda na ang mga kasong isasampa laban dito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments