𝗕𝗜𝗡𝗔𝗧𝗔 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬, 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥 𝗔𝗧 𝗧𝗥𝗜𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗢 𝗧𝗢𝗠𝗔𝗦

Patay ang isang bente singko anyos na binata matapos na ang naganap na banggaan ng minamaneho nitong motor at tricycle sa bayan ng Santo Tomas.

Nakilala ang biktima na si Xavier Tabilin residente ng Barangay Salvacion sa nasabing bayan.

Naganap ang aksidente pasado alas onse ng gabi sa Barangay La Luna sa nasabing bayan habang sakay ng motor nito ang biktima nang makabanggaan nito ang Isang kasalubong na tricycle dahilan upang tumilapon ang biktima at magtamo ng matinding sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Naisugod naman ito sa pinakamalapit na pagamutan subalit idineklarang dead-on-arrival habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon kaugnay sa nasabing insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments