𝗡𝗨𝗧𝗥𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗦𝗧𝗔𝗧𝗨𝗦 𝗧𝗨𝗪𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗬 𝗘𝗠𝗘𝗥𝗚𝗘𝗡𝗖𝗬 𝗖𝗥𝗜𝗦𝗜𝗦, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗛 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭

Pinalalakas ng DOH ang pagtugon sa nutrisyon ng mamamayan sa Region 1 tuwing may krisis sa pamamagitan ng isinagawang Nutrition in Emergencies training sa mga health and nutrition workers ng bawat probinsya.

Pahayag ni DOH-Region 1 Regional Director Paula Paz Sydiongco, ang nutritional training ay magbibigay kaalaman at kasanayan sa mga health workers upang ayusin ang nutritional requirements ng mga apektadong komunidad tuwing may sakuna.

Pinagtibay ng naturang training ang pagpapatupad ng Disaster Risk Reduction and Management in Health-Nutrition in Emergencies plans sa bawat probinsya sa rehiyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng intervention guidelines, practical exercises at stimulation.

Ipinapakita sa Nutrition in Emergencies training ang pagpapalakas sa sektor ng kalusugan o nutrisyon sa bawat mamamayan ng Ilocos Region tuwing nahaharap sa mga sakuna tulad ng baha, bagyo o lindol. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments