Wednesday, February 11, 2026

‎𝗡𝗨𝗧𝗥𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗔𝗧 𝗙𝗢𝗢𝗗 𝗦𝗘𝗖𝗨𝗥𝗜𝗧𝗬 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗣𝗚𝗜 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗔𝗡𝗢, 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔


‎Cauayan City – Nagpatupad ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela (PGI) ng pinalakas na nutrition at food security activity sa Barangay Disulap, San Mariano noong Pebrero 10, 2026, bilang bahagi ng patuloy nitong kampanya laban sa malnutrisyon sa mga liblib na lugar.

‎Nakinabang sa programa ang 45 batang may edad 0 hanggang 59 buwan na nakararanas ng malnutrisyon, pati na ang mga nagpapasusong ina. Tumanggap ang mga benepisyaryo ng pasteurized milk, starter chickens, itlog, poultry vitamins, at mga punla ng gulay.

‎Ayon sa mga opisyal, layon ng pamamahagi na matugunan ang agarang pangangailangan sa nutrisyon at mahikayat ang mga pamilya na mag-alaga ng manok at magtanim ng gulay para sa pangmatagalang suplay ng masustansiyang pagkain at posibleng dagdag-kabuhayan.

‎Isinagawa ang aktibidad sa pamamagitan ng pagtutulungan ng IPHO, PSWDO, PVET at OPA, at nakaayon sa Walang Gutom program ng lalawigan. Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga opisyal ng barangay sa PGI sa pagbibigay ng tulong sa kanilang komunidad.

‎Source: ISABELA PIO

————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments