𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗦𝗜𝗥𝗔 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗟𝗔𝗦𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗛𝗔𝗪𝗜

Nasira ang ilang kabahayan sa Brgy. Asin,  Malasiqui, Pangasinan matapos manalasa ang isang buhawi.

Sa lakas ng buhawi inilipad ang bubonh at nasira ang anim na bahay dito ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Office.

Sa panayam ng iFM Dagupan sa apektadong residente, bandang alas tres ng hapon nang manalasa sa kanilang lugar ang buhawi.

Tumagal ng humigit kumulang limang minuto na sinabayan ng malakas na buhos ng ulan dahilan upang mawalan pa kuryente ang mga residente.

Ilang puno rin ang nagtumbahan dahil sa buhawi.

Walang nasawi at Nagpapatuloy ang clearing operation ng barangay upang maibalik ang suplay ng kuryente sa mga apektadong residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments