π—’π—‘π—˜-𝗦𝗧𝗒𝗣-𝗦𝗛𝗒𝗣 π—”π—–π—§π—œπ—’π—‘ π—–π—˜π—‘π—§π—˜π—₯ 𝗦𝗔 π—₯π—˜π—›π—œπ—¬π—’π—‘, 𝗣𝗒π—₯π— π—”π—Ÿ π—‘π—š π—•π—œπ—‘π—¨π—žπ—¦π—”π—‘

Cauayan City – Kasabay ng pagtatapos ng buwan ng Magsasaka at Mangingisda, pormal na ring binuksan kahapon ika-31 ng Mayo ang One-Stop-Shop Action Center.

Naganap ang programa sa Department of Agriculture Cagayan Valley Research Center, San Felipe, City of Ilagan, Isabela kung saan pinangunahan ni Regional Executive Director Dr. Rose Mary G. Aquino ang naturang programa.

Layunin ng One-Stop-Shop Action Center na mailapit pa ang serbisyo at mga programa ng Kagawaran ng Agrikultura sa publiko upang mas maging maayos pa ang serbisyong mabibigay sa mga magsasaka.


Paalala naman ni Dr. Aquino na bago magtungo sa tanggapan upang idulog ang mga isyu at hinaing na may kaugnay sa agrikultura ay kinakailangan munang kumpletuhin ang mga requirements.

Samantala, ang tanggapan ay magiging bukas naman mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon Lunes hanggang Biyernes.

Facebook Comments