𝗢𝗡𝗘 𝗪𝗔𝗬 𝗧𝗥𝗔𝗙𝗙𝗜𝗖 𝗦𝗖𝗛𝗘𝗠𝗘 𝗦𝗔 𝗣𝗘𝗥𝗘𝗭 𝗕𝗟𝗩𝗗., 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗

Ipinatupad ang one-way traffic scheme sa bahagi ng Perez Boulevard sa Dagupan City upang bigyang daan ang nagpapatuloy na konstruksyon ng mga road projects sa lungsod.

Sa abiso ng POSO Dagupan, epektibo ang naturang kautusan simula noong linggo, kung saan sakop nito ang mula sa Perez – Rizal Intersection hanggang Perez – Zamora Intersection.

Kasunod nito, inatasan ang mga sasakyang manggagaling sa kanluran na pansamantalang pagdaan sa Rivera St. o Zamora St. papunta sa kahabaan ng Perez Blvd o Tapuac.

Ayon kay POSO Dagupan Deputy Officer Rexon De Vera, agad ipinatupad ang one-way traffic scheme matapos pag-aralan ng hanay ang rerouting base sa hiniling ng DPWH upang hindi maantala ang drainage upgrade at road elevation.

Panawagan ng enforcers ang pagtitiyaga at pag-unawa ng publiko kaugnay nito.

Inaaasahan na rin ang mas mabigat nA daloy ng trapiko sa mga pangunahing kakalsadahan sa Dagupan City lalo ngayong Holiday season.

Tiniyak ng POSO Dagupan na nakaantabay ang hanay lalo na sa mga bahaging magiging mabagal ang daloy ng trapiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments