
CAUAYAN CITY- Inilunsad ng Lokal na Pamahalaan ng Cabagan, katuwang ang Rural Health Unit, ang Oplan Ka-Baga para sa Cabagan na ginanap sa Barangay Magassi at Balasig.
Layunin ng kampanyang ito na wakasan ang tuberculosis (TB) sa lugar sa pamamagitan ng pagsasagawa ng acting case finding (ACF) bilang bahagi ng National TB Active Case Finding Campaign.
Nabenepisyuhan naman ng ng libreng chest x-ray at TB mass screening ang mga residente.
Samantala, lubos na nagpapasalamat ang Lokal na Pamahalaan sa mga Barangay Officials at Barangay Health Workers ng dalawang benepisyaryong barangay sa kanilang buong suporta at kooperasyon sa matagumpay na programa.
Facebook Comments