Wednesday, February 18, 2026

𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗦𝗔𝗗𝗔, 𝗠𝗔𝗦 𝗧𝗨𝗧𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗜𝗔𝗚𝗢 𝗖𝗜𝗧𝗬-𝗧𝗥𝗔𝗙𝗙𝗜𝗖 𝗘𝗡𝗙𝗢𝗥𝗖𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗨𝗡𝗜𝗧



Cauayan City – Mas paiigtingin pa ng Santiago City Police Office – Traffic Enforcement Unit ang kanilang pagbabantay sa mga lansangan matapos ang sunud-sunod na pagkakatala ng aksidente sa Lungsod ng Santiago.

Sa panayam ng IFM News Team kay Police Lieutenant Colonel Ricson Guiab, hepe ng Traffic Enforcement Unit Santiago City, sinabi nito na kung ikukumpara noong nakaraang taon ay nagkaroon ng pagtaas sa bilang ng mga naitatalang aksidente sa lansangan.

Base sa kanilang datos, marami sa mga nasasangkot sa aksidente ay mga 4 wheels na sasakyan, mga tricycle, at ang ilan ay mga truck at pampasaherong sasakyan.

Dagdag pa ni PLTCOL Guiab, madalas na sanhi ng aksidente ay ang human error, habang ang ilan naman ay sanhi ng mechanical failure.

Samantala, bilang hakbang ay nagsasagawa sila ng mga interventions katulad na lamang ng pagpapaskil ng mga signages sa mga kalsada katulad ng bypass roads at national highways, habang tuluy-tuloy rin ang ginagawa nilang mobile patrol sa mga kalsada.

Patuloy rin ang kanilang koordinasyon sa iba pang ahensya katulad na lamang ng Department of Public Order and Safety ng Santiago City maging sa Land Transportation Office sa pagsasagawa ng road clearing, checkpoints, at panghuhuli sa mga lumalabag sa batas trapiko.

Patuloy rin ang paalala ni PLTCOL Guiab sa mga motorista na maging madisiplina, responsable, at maingat sa pagmamaneho at paggamit ng kalsada upang maiwasan na masangkot sa anumang uri ng aksidente sa lansangan.
————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments