𝗣𝗔𝗚𝗕𝗨𝗢 𝗦𝗔 𝗘𝗡𝗩𝗜𝗥𝗢𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧𝗔𝗟 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗜𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗖𝗘𝗥𝗧𝗜𝗙𝗜𝗖𝗔𝗧𝗘 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗬𝗘𝗞𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗠𝗣 𝗜𝗥𝗥𝗜𝗚𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡𝗚, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚-𝗨𝗦𝗔𝗗

Patuloy pa rin ang pag-usad sa mga aktibidad ang ahensya ng National Irrigation Administration kaugnay sa Environmental Compliance Certificate ng proyektong Pump Irrigation sa bayan ng Bayambang.

Nalalapit na ang pagsasakatuparan sa naturang proyekto kung kaya’t nito lamang ay pinagtulungang buuin ng NIA-Regional Office I at ng LGU Bayambang ang ECC ng naturang proyekto.

Kaugnay sa isinasagawa rin ng NIA na Social at Environmental Impact Assessment ay hiningi nito sa LGU ang mga kinakailangang gawing socio-economic-agronomy data collection activities.

Tinalakay rin ang ukol sa pagbibigay konsiderasyon sa iba’t-ibang impresyon ukol sa proyekto at benepisyo, implikasyon, at mga maaaring kaharaping problema sa pag-iimplementa nito.

Binigyang pansin rin ang mga positibo at posibleng negatibo nitong maidudulot ng proyekto sa mga residente at sa kapaligiran maging pinagusapan rin ang bawat kontribusyon ng iba’t-ibang sektor sa implementasyon ng naturang proyekto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments