Trending ngayon sa X (formerly known twitter) ang post ng isang journalist na si Barnaby Lo na nagpahayag ng kanyang saloobin kaugnay sa pagtatapos ng mga estudyante ngayong taon.
Aniya, graduation season nanaman ngunit ipinagtataka nito ang tila pagdami ng bilang ng mga estudyanteng nakakakuha ng award na “With Honor” at “With Highest Honor”.
Dagdag pa, sinabi din nito na halos 2/3 ng klase ang may honor at awards ngunit nahuhuli pa rin ang Pilipinas sa PISA o Programme for International Student Assessment.
Batay kasi sa pinakahuling PISA Result na tinetake ng 15-year-old students world wide, lumalabas na ang Pilipinas ay nasa pinaka lowest rank pagdating sa math, reading, at science.
Bagaman may mga sumang-ayon dito, may ilang netizens din ang bumwelta at sinabing, isa itong estratehiya upang mapataas ang kumpyansa sa sarili ng mga bata pagdating sa usaping akademiko.
Facebook Comments