𝗣𝗔𝗚𝗚𝗨𝗡𝗜𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗨𝗡𝗗𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔, 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗟𝗔𝗛𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗣𝗔𝗬𝗔𝗣𝗔

Cauayan City – Pangkalahatang ligtas at mapayapa ang naging paggunita ng undas sa buong lalawigan ng Isabela ngayong taon.

Ipinagmamalaki ng Isabela Cops sa pamumuno ni Provincial Director Police Colonel Lee Allen Bauding na naging epektibo ang ginawang pagbabantay ng kapulisan upang mapanatili ang seguridad at kaayusan hindi lamang sa mga sementeryo kundi pati na rin sa mga simbahan, terminals, mga lansangan at sa lahat ng pampublikong lugar sa buong lalawigan.

Ayon kay PD Police Colonel Bauding, ang tagumpay na ito ay naging posible hindi lamang dahil sa pagsisikap ng kapulisan kundi pati na rin ng iba pang ahensya kabilang na ang hanay ng BFP, Public Order and Safety Division/Office, Local Disaster Risk Reduction and Management Council, volunteer groups, at iba pang civic organizations.


Bagama’t dumagsa ang mga tao, ikinagagalak ng PNP Isabela na walang naitalang malalaking insidente ng krimen sa buong probinsya sa panahon ng paggunita ng Undas.

Samantala, magpapatuloy ang pagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa buong lalawigan kaya naman hinihikayat nila ang publiko na ipagpatuloy ang pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan sa mga awtoridad upang labanan ang anumang uri ng kriminalidad.

Facebook Comments