𝗣𝗔𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟱 𝗕𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡𝗧𝗜 𝗙𝗘𝗦𝗧𝗜𝗩𝗔𝗟, 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗬

CAUAYAN CITY- Bagama’t ilang buwan pa bago ang selebrasyon ng 2025 Bambanti Festival ay nagkaroon na ng pagpupulong ang Executive Committee bilang paghahanda rito.

Kabilang sa mga pinag-usapan sa nasabing pagpupulong ay ang magiging tema ng nasabing selebrasyon na nakatuon sa socio-economic at cultural programs ng mga Lokal na Pamahalaan ng iba’t-ibang munisipalidad sa Lalawigan.

Samantala, ang pagpupulong ay ginanap sa Provincial Capitol na pinangunahan ni Vice Gov. Faustino G. Dy III.


Facebook Comments