𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗥𝗢𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗧𝗨𝗥𝗗𝗔𝗬 𝗖𝗟𝗔𝗦𝗦 𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗬𝗨𝗡𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗘𝗔𝗖𝗛𝗘𝗥𝗦 𝗗𝗜𝗚𝗡𝗜𝗧𝗬 𝗖𝗢𝗔𝗟𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡

Sinang-ayunan ng Teachers Dignity Coalition ang kamakailan ay inilabas ng DepEd na usapin ng pagkakaroon ng Saturday Class sa susunod na school year.
Sa naging panayam ng iFM News dagupan kay TDC Chairman Benjo Basas, kung kailangan ng sabado na klase ay walang problema, aniya, sa kanila ito upang makasabay sa pagbabalik ng lumang school calendar.
Ayon kay Basas, mas maganda kung sakaling gawin itong modular na lamang upang kahit papaano ay hindi maapektuhan ang araw ng Sabado na Sana ay para sa mga bahay ng mga guro maging ng mga estudyante.Kung susumain, aniya, kasi ay nasa Isa o dalawang beses lang naman kada buwan ang magiging Saturday Class kung itutuloy ito.

Sa buwan ng Hulyo ay mag uumpisa na ang klase para sa school year 2024- 2025 at inaasahang matatapos ng buwan ng Marso para maibalik na sa lumang school calendar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments