Sa pakikiisa ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa taunang selebrasyon ng Earth Day tuwing Abril, inanyayahan nito ang publiko na magkaisa laban sa plastic pollution at patuloy na pangangalaga sa kalikasan.
Matatandaan na sa usaping tamang pagtatapon ng basura ay nakakolekta ang tanggapan ng higit 50 sako sa kahabaan ng Lingayen Beach pagkatapos ng semana santa.
Kaugnay nito, nagbahagi ang ahensya ng ilang simpleng hakbang upang masimulan ang paglaban sa plastic pollution tulad ng paggamit ng reusable plastics at hindi pagtangkilik sa mga single-use plastic bags.
Hinihikayat ng PDRRMO ang publiko, bata man o matanda, na isabuhay araw-araw ang pangangalaga sa Inang Kalikasan. Ang pagtulong kasama ang mga volunteers ay malaking tulong upang mapangalagaan ang kalikasan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨