𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗜𝗗 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗗𝗔𝗗𝗔𝗟𝗛𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡

Dadalhin ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan ang National ID registration sa mga bara-barangay sa nasabing bayan.

Inumpisahan na kahapon, April 22 ang pag-arangkada nito partikular sa Brgy. Buenlag at magtatagal hanggang ngayon, April 23, habang mula naman April 23 hanggang 25 ay nakatakda ito sa Brgy. Anolid. Sa darating na April 24 hanggang 25 ay isasagawa ang naturang pagpaparehistro sa Brgy. Gueguesangen.

Kinakailangan lamang magdala ng isang valid ID o original copy ng birth certificate na nagmula sa PSA.

Samantala, sa lalawigan ng Pangasinan, nasa mahigit 1.5 na milyon na na mga PhilSys Cards ang na deliver habang para sa mga hindi pa nakukuha ang physical IDS, maaaring makakuha ng digital copy nito dahil mananatiling pareho ang features ng dalawang IDs na nauna nang siniguro ng PSA. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments