𝗣𝗔𝗚𝗡𝗔𝗡𝗔𝗞𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗔𝗜𝗥𝗖𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗨𝗡𝗜𝗖𝗜𝗣𝗔𝗟 𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗦𝗜𝗦𝗧𝗔, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗜𝗡𝗜𝗜𝗠𝗕𝗘𝗦𝗧𝗜𝗚𝗔𝗛𝗔𝗡

Kasalukuyang iniimbestigahan ng PNP Basista ang insidente ng pagnanakaw sa Municipal Health Office sa bayan.

Iniulat ng nurse sa tanggapan na si Marilou Hermogeno ang pagkawala umano ng lumang unit ng aircon sa kanyang opisina.

Aniya maaaring sa bukas na bintana pumasok ang mga suspek sa pagnanakaw.

Kasalukuyan naman isinasagawa ang backtracking ng CCTV footage malapit sa opisina at nangangalap ang mga awtoridad ng latent prints sa crime scene. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments