𝗣𝗔𝗚𝗡𝗔𝗡𝗔𝗞𝗔𝗪 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗡𝗩𝗘𝗡𝗜𝗘𝗡𝗧 𝗦𝗧𝗢𝗥𝗘 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗟𝗜 𝗡𝗚 𝗦𝗧𝗔𝗙𝗙

Nahaharap sa kasong paglabag sa Article 308 o pagnanakaw ang 28 taong gulang na suspek na si Patrice Javier residente ng Cabugao, Ilocos Sur, habang ang kasabwat naman nito ay nakatakas.

Sa salaysay ng witness na mismong staff ng convenience store, naobserbahan umano nito na tumatangay ng ilang paninda ang kasabwat at umaktong ibinabalik ito. Inabala naman siya ng isa pang suspek sa pagtatanong tungkol sa ilang produkto sa convenient store. Ilang sandali habang inaasikaso ng witness ang isang customer, inabutan umano ng kasabwat ng eco bag ang suspek. Dito na kinompronta ng witness ang suspek habang tumakas na ang kasabwat. Nakumpiska ang ilang de lata na nagkakahalaga ng higit isang libong piso.

Kasalukuyang nakikipag ugnayan ang awtoridad sa convenient store para ma attract ang CCTV footage sa insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments