Pinaigting pa ang pagbibigay ng paalala sa publiko ng Pangasinan Provincial Health Office ukol sa mga sakit na posibleng makuha ngayong panahon ng tag-ulan.
Nagbigay payo ang PHO para malabanan ang waterborne and Food diseases, Illnesses, Leptospirosis, at Dengue o W.I.L.D diseases na siyang mga sakit na binabantayan ngayong tag-ulan.
Nakapagtala ang tanggapan ng PHO ng 548 na kaso ng dengue mula January hanggang June 3, 2024, mas mataas kung ikukumpara noong nakaraang taon sa parehong panahon na nasa 511 na kaso ang naitala.
Sa datos na nakalap, mas mataas ng pitong porsyento ang kaso ng Dengue ngayong taon ayon sa PHO kung ikukumpara noon nakaraang taon.
Samantala, nasa dalawang kaso pa lamang ang naitalang kaso ng leptospirosis sa lalawigan simula January hanggang June 2024 ngayong taon at walang naitalang nasawi. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨