
Cauayan City – Matagumpay na isinagawa ng 5th Infantry Division at 7th Infantry Division ang Combined Arms Planning Exercise (CAPEX) 2026 noong ika-13 ng Pebrero sa 5th Division Training School, sa ilalim ng pamamahala ng Northern Luzon Command.
Layunin ng pagsasanay na tiyakin ang kahandaan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa pagtatanggol sa Northern Luzon laban sa mga external threats.
Ayon kay Major General Gulliver Señires, pinuno ng 5th Infantry Division, naging posible ang mas pagtutok sa external defense dahil sa tagumpay ng whole-of-nation collaboration at sa pagdeklara ng Stable Internal Peace and Security status sa ilang lalawigan, na nagpapakita ng paghina ng insurhensiya.
Binigyang-diin din ni Señires na mananatili ang presensya ng mga yunit ng hukbo sa mga komunidad at ipagpapatuloy ang suporta sa mga lokal na pamahalaan at programang pangkomunidad.
Samantala, tiniyak ni Lieutenant General Aristotle Gonzalez ng Philippine Air Force at Commander ng Northern Luzon Command ang buong kahandaan ng pwersa at ang kahalagahan ng koordinasyon ng air, maritime, at ground units sa pagbuo ng isang solidong depensang plano.
Ang CAPEX 2026 ay nagsisilbing hudyat ng transisyon ng AFP mula internal security operations tungo sa mas pinalakas na territorial defense sa Northern Luzon.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan
Facebook Comments










