Isa ang sektor ng kalusugan sa tinututukan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan upang patuloy na maitaguyod ang kapakanang pangkalusugan ng mga Pangasinense.
Alinsunod dito ang inihahandang pagpapatayo ng Dialysis Center sa Lingayen District Hospital sa pakikipag-ugnayan ng Pangasinan Provincial Government katuwang ang Luzon Medical System (LMS) sa pamamagitan ng iseselyadong Memorandum of Agreement (MOA) pagkatapos itong aprubahan ng mga Board Members ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan.
Layon ng nasabing resolusyon na makapagbigay ng kalidad na serbisyong medical, maging matugunan ang mga problemang kinakaharap particular ang mga pasyenteng nangangailangan ng dialysis
Inaasahan ang pagkakaroon ng labintatlong units ng bagong mga dialysis machines na magagamit sa itatayong dialysis center.
Samantala, kabilang sa layunin nito ang matulungan ang mga Pangasinense, particular ang mga kapos palad na makatanggap pa rin ng kalidad na serbisyong medikal sa makatarungan at abot-kayang halaga. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments