𝗢𝗡𝗘 𝗕𝗢𝗡𝗨𝗔𝗡 𝗧𝗢𝗨𝗥𝗜𝗦𝗠 𝗣𝗔𝗩𝗜𝗟𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗨𝗠𝗣𝗜𝗦𝗔 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗧𝗔𝗬𝗢

Inumpisahan na ngayong araw ang pagtatayo ng proyektong One Bonuan Tourism Pavillion sa Bonuan ditto sa Dagupan City na may layong mas palakasin pa ang turismo ng siyudad.
Matatandaan na funded ang nasabing proyekto ng LGU Dagupan katuwang 20M pesos na halaga mula kay Sen. Risa Hontiveros ng national government.
Kalakip nito ang mas pagpapaganda at pagsasaayos pa ng pamosong pasyalan sa lungsod – ang Bonuan Tondaligan Beach, kasabay nito ang pagbubukas ng “One Bonuan, Pakanan ed Baybay” tampok ang mga food stalls na potensyal na dagsain ng publiko.

Samantala, ilan pang mga infrastructure developments ang aasahan sa lungsod ng Dagupan bilang kasado na ang pagpapatakbo ng 1.3B 2023 budget para sa benepisyo ng mga Dagupeños. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments