𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗣𝗛𝗣 𝟱𝗢𝗢𝗠 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗙𝗥𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗞𝗨𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗢 𝗡𝗔

Nakumpleto na ang pagpapatayo ng mga proyektong pang-imprastraktura sa iba’t-ibang bahagi sa lalawigan ng Pangasinan.

Ilan sa mga matagumpay na konstruksyon ang mga multi-purpose buildings sa mga bayan ng Balungao, San Quintin, Urdaneta City, Malasiqui, at Bayambang.

Kabilang pa sa mga infrastructure projects ay ang farm to market roads, pagsasaayos sa provincial, at barangay roads sa mga bayan ng Agno, Bani, Infanta, Burgos, Anda, Dasol, Bolinao, Mangatarem, Urbiztondo, Lingayen, Bugallon, Malasiqui, Mapandan, San Carlos City, Bayambang, Manaoag, San Jacinto, Mangaldan, Binalonan, Urdaneta City, Pozorrubio, Villasis, Bautista, Sison, Umingan, Asingan, Rosales, Balungao, San Manuel, at Laoac.

Umabot naman sa higit limang daang milyong piso PHP 500M ang inilaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa pagsasakatuparan ng mga nasabing proyekto.

Samantala, ilang pang mga proyekto ang nakalinya at kasalukuyang isinasagawa na may layong maging kapaki-pakinabang para sa pag-unlad ng mga Pangasinense. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments