𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗔𝗬𝗢𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗠𝗣𝗨𝗡𝗚 𝗘𝗞𝗧𝗔𝗥𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗘𝗖𝗢𝗟𝗢𝗚𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗣𝗔𝗥𝗞 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗚𝗔𝗟𝗟𝗢𝗡, 𝗕𝗨𝗕𝗨𝗞𝗦𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗧𝗔𝗢𝗡𝗚 𝟮𝟬𝟮𝟱

Ipinasilip na sa publiko ang isinasagawang pagsasaayos sa isa na namang maaaring atraksyon sa lalawigan ng Pangasinan na matatagpuan sa Brgy. Cayanga, Bayan ng Bugallon.

Matapos mapansin ang mala-paraisong lugar sa nasabing barangay ay agad na ipinag-utos ng pamahalaang panlalawigan na isaayos at i-develop ang lugar dahil sa potensyal nitong maging atraksyon at gagawing isang Ecological Park sa probinsya.

Ayon kay Project Manager Retired P/Col. Paterno Urduna na layunin ng dinidevelop na atraksyon ay upang may mapuntahan ang mga Kabataang nagfifield trip kung saan aniya isa itong educational di tulad ng iba na sa mall nagpupunta tuwing field-trip ng mga estudyante.

Aniya pa, layunin ng lugar na ito na pupuntahan ng mga kabataan ay upang mai-relate sa environmental preservation.

Sa isinasaayos na eco-park maraming mga puno ang nakalinyang itanim sa lugar.

Marami pang planong nakalatag sa lugar para sa full development ng naturang eco-park sa probinsiya kung saan planong buksan ito sa taong 2025 sa oras na natapos na ang lahat ng features nito para sa lahat ng mga bibisita rito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments