𝗣𝗔𝗚𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗧𝗔𝗚 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗟𝗨𝗦𝗨𝗚𝗔𝗡 𝗔𝗧 𝗭𝗘𝗥𝗢 𝗛𝗨𝗡𝗚𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗟𝗔𝗟𝗢 𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗜𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚

Lalo pang pinaiigting ng lokal na pamahalaan ng Dagupan City ang kanilang kampanya tungo sa mas matatag na pangkalusugan at zero hunger sa lungsod.

Kamakailan ay muling nagpamahagi sa pamamagitan ng tulong na programa ng DSWD ng additional food items para sa Supplementary Feeding Program sa mga day care learners.

Sinisiguro ng lokal na pamahalaan ng lungsod ang access sa mga masustansiyang pagkain ang mga batang Dagupeños nang sa gayon ay mapanatiling malusog ang mga ito at malayo sa sakit.

Samantala, katuwang rin ang ilang kawani ng CSWD at City Nutrition Office, Child Development Workers, BHW, BNS, barangay volunteers at mga magulang sa paghahanda ng naman ng pagkain ng mga bata hanggang sa monitoring ng timbang, taas ng mga bata na angkop sa kanilang edad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments