𝗕𝗨𝗚𝗔𝗪 𝗔𝗧 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗕𝗔𝗘𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗫 𝗪𝗢𝗥𝗞𝗘𝗥 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗘𝗡𝗧𝗥𝗔𝗣𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗨𝗥𝗕𝗜𝗭𝗧𝗢𝗡𝗗𝗢

Arestado ang Isang sinasabing bugaw at dalawang babaeng umano’y sex worker sa ikinasang entrapment operation sa Bayan ng Urbiztondo.

Ang bugaw na isang trenta y nuebe anyos na lalaki ay nahuli sa ikinasang entrapment operation pasado alas onse ng Gabi sa Isang bar sa nasabing bayan.

Nahuli ito pasado tanggapin ang pera na sinasabing bayad kapalit ng babaeng sex worker doon o mga prostitute.

Kaugnay nito ay naaresto din ang dalawang babae na sinasabing mga sex worker na Kasama ng suspek na Lalaki.

Sa kabiguang makapagpakita ng kaukulang dokumento ay inaresto ang mga ito at nahaharap sa kaukulang kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments