𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗟𝗜 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗦𝗢, 𝗧𝗨𝗧𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗟𝗔𝗦𝗜𝗣 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗔𝗢

Mas paiigtingin sa barangay Lasip sa Calasiao ang pagpapatupad ng ordinansang ‘Aso Mo, Itali Mo’ kasunod ng pag-atake ng aso sa isang dalawang taong gulang na bata.

Sa naging panayam ng IFM News Dagupay kay Brgy. Captain Fernandez, nagsagawa na ng pagpupulong ang barangay council upang maipatupad ang mga hakbang sa pagpapaigting ng naturang ordinansa.

Kinumpirma ng kapitan na kalmot sa ulo ang natamo ng dalawang taong gulang na bata.

Sa ngayon, mahigpit na minomonitor ang kalagayan ng bata na una nang nabakunahan Kontra rabies.

Paalala nito sa mga residente sa Brgy. Lasip, sumunod sa patakaran upang maiwasan ang naturang kaso maging ang multa sakaling mahuling lumabag. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments