Nagbigay paalala ang tanggapan ng Pangasinan PDRRMO ukol sa pag-conserve o pagtitipid sa konsumo ng kuryente at maging pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng ilang pamamaraan para makatulong na maibsan ang climate change.
Kaugnay ito sa paggunita ng Earth Month ngayong Abril kung saan naglalayon na mabigyan ng importansya ang planeta at maging panghihikayat sa publiko na sumuporta at kumilos para sa maunlad na kinabukasan.
Mainam umano kung susundin ng bawat isa ang pagkakaroon ng Sustainable Lifestyle tulad ng pagtitipid sa konsumo ng kuryente kung saan tatanggalin sa saksakan ang mga electronic appliances na hindi naman ginagamit.
Dapat rin umanong i-practice ang reduce, reuse, recycle method sa segregation ng mga basura at pagtitipid sa ginagamit na tubig.
Mainam rin umano kung gagamit ng mga Eco-friendly products at renewable energy. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments