𝗡𝗔𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗚𝗘𝗡𝗧 𝗦𝗘𝗡𝗜𝗢𝗥 𝗖𝗜𝗧𝗜𝗭𝗘𝗡𝗦 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗡𝗦𝗬𝗔𝗟 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗦𝗪𝗗 𝗥𝟭

Nasa isang libong mga indigent senior citizens sa bayan ng Mangaldan ang napamahagian ng tulong pinansyal mula sa Department of Social Welfare and Development Region 1 sa ilalim ng programang AICS.

Nakatanggap ng tig-dalawang libong piso ang bawat indigent senior citizens na kabilang sa naturang pamamahagi.

Naging posible rin ang naturang pamamahagi sa pamamagitan ng opisina ng ikaapat na distrito at ng lokal na gobyerno ng bayan.

Hinihikayat naman ng alkalde ng bayan ang mga hindi pa nakapagrehistrong senior citizens na kanilang sa bayan na lumapit sa tanggapan ng OSCA ar magparehistro na.

Sa pamamagitan din kasi niyo ay matutulungan sila lalo at makikinabang sa lahat ng programa ng gobyerno para sa kanila. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments