Pag-uusapan sa senado ang mga isyung may kaugnayan sa epekto ng patuloy na nararanasang mainit na panahon partikular na sa pagkaklase sa mga paaralan kasunod ng ipinatutupad ng suspension ng face-to-face classes sa mga public schools sa bansa.
Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, mayroong hamon umano sa pagpapatupad ng alternative distance learning. Aniya, may mga magulang na hindi sang-ayon sa online classes dahil hindi umano natututo ang kanilang mga anak.
Dagdag pa na hindi lahat ay mayroong internet access o kawalan nito sa gitna ng pag-aaral.
Ilang mga magulang din sa Pangasinan, humihirit na kung bumaba man umano naitala na ang heat index sa lalawigan ay mas pabor ang mga ito sa klase tuwing umaga sa mga tukoy na oras lamang.
Matatandaan na epektibo simula ngayon, April 29 hanggang bukas, April 30, ang asynchronous classes na direktiba ng Department of Education bunsod ng matataas na heat index forecast sa mga bahagi sa bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨