𝗣𝗔𝗚-𝗔𝗗𝗝𝗨𝗦𝗧 𝗡𝗚 𝗪𝗢𝗥𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗛𝗢𝗨𝗥𝗦 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗪𝗔𝗡𝗜 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗥𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗞𝗔𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡, 𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗚𝗚𝗨𝗡𝗜𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡

Wala pang nakikitang dahilan ang pamahalaang Panlalawigan na i-adjust ang working hours ng mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan sa Pangasinan dahil sa patuloy na nararanasang init ng panahon.

Ayon kay Pangasinan Vice Governor Mark Ronald Lambino, maliban sa hindi magkakatulad ang mga temperatura sa Pangasinan hindi rin katulad ng Lalawigan ang metro manila na nauna ng nagpatupad ng shifting hours.

Aniya, malawak ang Pangasinan, at maraming bahagi dito ang malamig pa din sa dami ng mga espasyo at mga nakatanim na mga puno sa buong probinsiya.

Samantala sa usapin ng klase naman ay nanatili naman sa posisyon ang Pamahalaang Panlalawigan na nasa school administrators ang desisyon ng suspension ng face-to-face classes kung kinakailangan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments