𝗠𝗔𝗜𝗡𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡, 𝗔𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗥𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗣𝗔 𝗥𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗚𝗜𝗧𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗥𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗚-𝗨𝗟𝗔𝗡, 𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗔𝗦𝗔

Inaasahan na patuloy na mararanasan ang mainit na panahon sa bansa kahit pa sa darating na mga pag-ulan, ayon sa weather bureau na PAGASA.

Ayon kay Dr. Anna Solis sa climate monitoring, particular na makararanas ng mataas na temperatura ang Northern Luzon na kinabibilangan ng Ilocos Region.

Sa kasalukuyan, kadalasang naglalaro sa 44 hanggang 47 degrees Celsius ang naitatalang heat index sa Pangasinan particular sa Dagupan City, kung saan sa ilalim ito ng Danger Category.

Samantala, possible ang pagpasok ng panahon ng tag-ulan sa buwan ng Hunyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments