Muling iminungkahi sa naganap na regular session sa Sangguniang Panlungsod ng Dagupan ang pag-apruba ng 2024 supplemental budget na kinabibilangan ng iba’t-ibat-ibang proyekto sa lungsod.
Alinsunod dito, personal na tumungo ang alkalde ng lungsod upang talakayin ang mga programang nakapaloob sa supplemental budget.
Saklaw nito ang pagpapatayo ng mga interior roads, day care centers, gymnasium, 2 to 3 storey buildings, evacuation areas, health centers, command centers at iba pa sa mga itinakdang barangay na pagtatayuan ng mga nasabing imprastraktura.
Nabigyang diin din sa session ang dapat na pagbibigay pansin sa mga kinakailangang kagamitan kaugnay naman sa paghahanda sakaling makaranas ng kalamidad tulad ng inaasahang the Big One.
Mainit pang napag-usapan ng mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ang kaugnay sa pag-iimplementa ng naaprubahang nasa P1.3B na annual budget ng taong 2023.
Hiling ngayon ng mga Dagupeños ang pagkakaapruba sa nasabing budget upang maisakatuparan ang mga proyekto at programang laan para sa mga ito.
Samantala, matatandaan na nito lamang Marso ay naaprubahan na ang annual budget para sa CY 2024 na nagkakahalaga ng P1.385B, bagamat iba ito sa pinoprosesong supplemental budget. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨