𝗣𝗔𝗚-𝗕𝗔𝗡 𝗡𝗚 “𝗣𝗔𝗟𝗨𝗪𝗔𝗚𝗔𝗡” 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚-𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟𝗔𝗡

CAUAYAN CITY- Ikinokonsidera ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Tuguegarao ang pagbabawal ng “Paluwagan” sa tanggapan ng City Government at Provincial Government ng Cagayan.

Ayon sa Cagayan PIO, inatasan ni Tuguegarao City Mayor Maila Ting-Que ang City Legal Office upang pag-aralan ang posibleng paggawa ng Executive Order hinggil sa pagpapatupad ng ban sa paluwagan sa lungsod at sa buong Probinsya ng Cagayan.

Ayon sa alkalde, nais nitong mawakasan na ang talamak na panlilinlang ng mga scammers sa publiko.


Naniniwala din si Mayor Ting Que na irerekomenda rin ito ni Gov. Manuel Mamba upang maipatupad at maiiwas mula sa mga scammers ang mga kawani ng pamahalaan mula sa talamak na scam.

Hinihikayat rin ng alkalde ang mga nabiktima ng mga scam na sumangguni sa kanilang tanggapan upang matulungan ang mga ito.

Facebook Comments