𝗣𝗔𝗚-𝗜𝗜𝗛𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗟𝗔𝗕𝗔, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗛𝗨𝗡𝗗𝗥𝗘𝗗 𝗜𝗦𝗟𝗔𝗡𝗗𝗦 𝗙𝗘𝗦𝗧𝗜𝗩𝗔𝗟 𝟮𝟬𝟮𝟰

Mahigit isandaang kilo ng talaba ang inihaw sa kahabaan ng Quezon Avenue, Alaminos City sa pagdiriwang ng higit dalawang linggong selebrasyon ng Hundred Islands Festival 2024.

Fresh o harvested on the same day ang talaba na inihain sa Ihaw-Ihaw Festival ng bayan. Aabot sa 185 sako nito ang naitalang pagkonsumo sa parehong araw para sa mga Alaminians at mga bisita na dumayo sa lungsod. Bukod sa talaba, tampok din ang ilang lamang dagat tulad ng bangus at hipon.

Ang Talaba Ihaw-Ihaw Festival ay naglalayong pahalagahan ang kasaganaan nito sa lugar bilang isa sa pangunahing pinagkukunan ng kita ng mga fisherfolk families. Isinusulong din sa naturang aktibidad ang pagpapalakas at pagpapaunlad pa ng produksyon nito sa Alaminos. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments