𝗣𝗔𝗚-𝗜𝗜𝗠𝗕𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗟𝗔𝗬 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗣𝗔𝗥𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗧𝗔𝗚-𝗨𝗟𝗔𝗡, 𝗜𝗡𝗨𝗠𝗣𝗜𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗔

Inumpisahan na ng National Food Authority o NFA ang palay procurement sa mga magsasaka, nang sa gayon ay magkaroon ng matatag na suplay ng bigas at makapaghanda na sa paparating na tag-ulan.

Sa ngayon, nasa 56% na o katumbas ng nasa 190,000 na sako ng palay ang nakaimbak sa mga warehouse ng NFA. Subalit, lagpas kalahati pa lang ito sa target ng ahensya na 336,000 na sako.

Samantala, hindi naman nakikitaan ng problema ng NFA ang pagbili ng mga palay mula sa mga magsasaka ng palay, dahil mataas ang presyo nito na pumapalo sa trenta pesos kada kilo.

Pagtitiyak ng pamunuan ng NFA Eastern Pangasinan, ito ay sustainable o matatag sa kung anong kalamidad man ang tumama sa lalawigan.

Dahil dito, asahan na tataas pa ang presyo nito ngayong tag-ulan na nauna nang naging pagtataya ng grupong Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments