Patuloy na hinihimok ngayon ang publiko kaugnay sa pag-iwas muna sa paghalik sa labi ng mga bata ngayong laganap ang kaso ng Pertussis, maging ang isa pang binabantayang sakit na Measles o Tigdas.
Ayon sa Pangasinan Provincial Health Office, posible ang transmission o pagkakahawa ng anumang bacteria kung hinahalikan partikular na sa labi ang mga sanggol at bata.
Sa pinakahuling tala rin ng tanggapan, tatlong kaso ang naitala sa lalawigan ng Pangasinan at sa ngayon ay mas pinag-iigting ngayong ang isinasagawang monitor sa naturang kaso.
Hinihikayat naman ng Department of Health – Center for Health Development 1 lalo ang mga magulang sa Ilocos Region ang pagtangkilik sa mga bakunang laban sa mga naglipanang sakit ngayon sa mga bata.
Samantala, ang pertussis at measles ay vaccine-preventable disease. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨